iniling ni Senator Imee Marcos sa administrasyon na timbanging mabuti at itaguyod ang interes ng mga Pilipino sa magiging direksyon ng foreign policy ng bansa sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian Islamist Group na Hamas.
Iginiit ni Sen. Marcos na maging pangunahing layunin sa ating foreign policy ngayon ang kaligtasan ng mga Pilipinong nagtatrabaho, naninirahan, turista at pilgrims sa Israel.
Bukod sa Israel, ipinasasaalang-alang din ng senadora ang mga Pinoy sa Middle East at North Africa na mas pipiliing ipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay roon.
Pinaghahanda rin ni Sen. Marcos ang pamahalaan sa posibleng panganib na madamay o maapektuhan ang bansa ng kapag tumagal ang digmaan sa pagitan ng gobyerno ng Israel at Hamas militants.
Kailangan aniyang mapaghandaan din ang magiging epekto sa bansa ng suplay ng langis lalo’t mula pa sa Gitnang Silangan ang ating suplay at posibleng magbago ang ihip ng pandaigdigang politika dahil sa nangyayaring kaguluhan.