Hinimok ng isang education advocate ang pamahalaan na pabilisin na ang pagbabalik ng mga paaralan sa face-to-face classes.
Ayon kay Executive Director of the Philippines Business for Education Love Basillote, sa ngayon ang Pilipinas na ang pinakamatagal na hindi pa nagbabalik-eskwela sa buong mundo at dapat magdadag na rin ang pamahalaan ng mga resources sa paaralan upang maibalik na ang in-person classes.
Aniya, naaapektuhan na kasi ang pagkatuto ng mga bata sa basic competencies tulad ng pagbabasa at pagbibilang na nangangailangan ng face-to-face learning para maging epektibo lalo na sa mga batang mag-aaral.
Matatandaang napilitang lumipat sa online learning ang mga paaralan sa bansa simula nang tumama ang COVID-19 noong 2020 kung saan nahirapan ang karamihan sa mga Pilipinong mag-aaral dahil walang gadget o stable na internet sa bahay.