Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na magsagawa ng cloud seeding operations.
Sa harap ito ng matinding impact ng nararanasang El Niño sa maraming lugar sa bansa.
Partikular ang mga hindi gumaganang hydropower plants dahil sa kakulangan sa tubig.
Naniniwala ang senador na tatakbo ng maayos ang hydropower plants kapag nagkaroon na ng tubig.
Inirekomenda rin ni Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na bumuo ng task force na mag-aaral at tutugon sa matinding epekto ng El Niño lalo na sa suplay ng kuryente at sa ekonomiya ng bansa.
Facebook Comments