Pamahalaan, hinimok ni senatorial aspirant Alan Peter Cayetano na makipagnegosasyon na agad para sa mga bakunang may mas mataas na efficacy

Hinikayat ni senatorial aspirant Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na ngayon pa lamang ay makipagnegosasyon na para sa mas updated na COVID-19 vaccines o mga bagong bakuna na may mas mataas na efficacy.

Ayon kay Cayetano, kailangan na mas maging maagap dito ang pamahalaan sa harap ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ni Cayetano na dapat ding maging creative ang pamahalaan sa paghikayat sa publiko na magpabakuna.


Inirekomenda rin niya sa pamahalaan na sagutin ang gastusin ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na maiipit sa paghihigpit sa borders o ang pagpapatupad ng travel ban sa harap ng banta ng Omicron variant.

Samantala, pinapurihan ni Cayetano ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa nakamit nitong mahigit 5-milion vaccinees sa 3 araw na National Vaccination Drive.

Dapat din aniyang magpasa ng batas ang Senado at Kamara para sa pag-simplify sa proseso ng pamamahagi ng ayuda.

Layon nito na maiwasan ang duplication o madoble ang pamimigay ng ayuda.

Sa ganitong paraan aniya ay mabibigyan ng ayuda ang lahat ng mga Pilipinong naapektuhan ang kabuhayan ng pandemya.

Facebook Comments