Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkakaroon na ng sapat na pondo para tustusan ang malalaking proyekto ng pamahalaan nang hindi na kinakailangan pa ng dagdag na utang ang bansa.
Sa pamamagitan ito ng Republic Act 11954 o ang batas na lilikha ng Maharlika Investment Fund kung saan ang kikitain dito ang siyang gagamitin na sa pagsustento sa malalaking proyekto ng pamahalaan.
Kabilang dito ang 194 NEDA Board approved flagship infrastructure projects.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na ang lahat ng desisyon para sa pangangasiwa sa MIF ay hindi isang political decision o mahahaluan ng politika, kaya una na siyang tumanggi na isama siya at ang kalihim ng Department of Finance sa composition ng MIF board.
Sa halip ayon sa presidente na ang mga bubuo sa MIF board ay pawang mga competent na indibidwal na may magandang track record, magaling na financial at economic managers mula sa pribado at pampublikong sektor para masigurong maayos na mapangangasiwaan ang pondo.
Ayon pa sa pangulo, ang MIF ay maituturing na isang dream fund.