Pamahalaan, Inabswelto Sa Sinasabing Extra Judicial Killings Sa Bansa

MANILA – Walang ibedensya na makapagtuturo na ang pamahalaan ang nasa likod ng extra judicial killings o vigilante killings sa mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.Sa report ng Senate Justice and Human Rights Committee ni Sen. Richard Gordon, lumabas na hindi ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang mga pagpatay.Lumitaw din sa report na mayroong mga drug personalities na ipinapatay ng mga pulis.Kailangan din ng pagpapalakas PNP-internal affair service na nag-iimbestiga sa mga kaso ng pagpatay at pagkakaroon ng special court sa mga tiwaling pulis.Tinutulan naman ni Sen. Leila De Lima ang buong report, lalo’t hindi nabigyan ng pagkakataon ang iba pang testigo ng commission on human rights.Samantala, binanggit din sa report na kung may 77 pagpatay kada araw sa panahon ni Pangulong Duterte – umaabot naman sa 28 sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo at 40 sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments