Pamahalaan, itotodo ang pagpapadala ng suplay bakuna sa mga lugar na kakaunti pa lamang ang nabakunahan

Tiniyak ng pamahalaan ang pagbuhos ng suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa mga lugar na kakaunti pa lamang ang mga nababakunahan.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., magpapatupad sila ng tinatawag na recalibrated deployment sa pamamahagi ng bakuna.

Dahil dito, sa 25 milyong doses ng bakuna na inaasahang darating sa bansa ngayong Setyembre, karamihan sa mga ito ay ilalaan sa Region 3 at Region 4-A na makakatanggap ng tig-3 milyong doses ng bakuna.


Habang ang Region 1, 5, 7, 8, 10, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay makakatanggap ng nasa 1.2 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments