Kakailanganin muling mangutang ng pamahalaan para mapunan ang P1.6-T kakapusan sa panukalang mahigit P5-T na pambansang pondo.
Sa ngayon, ayon sa Bureau of Treasury ay nasa P12.79-T na ang utang ng Pilipinas.
Batay kasi sa panukalang 2023 national budget, pinakamalaki ang nakalaan sa social services, sumunod ang economic services, general services, debt payment o pagbabayad sa utang at defense sector.
Ang Department of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Transportation (DOTr), Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Science and Technology (DOST) ang mga kagawaran na may pinakamalaking budget.
Layunin umano ng naturang pondo na makamit 8-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos na kinabibilangan sa seguridad sa pagkain, pagpapaganda sa mga imprastraktura at transportasyon.