Pamahalaan, kayang bumili agad ng pinakaepektibong COVID-19 vaccine ayon sa isang kongresista

Hinimok ni Albay Representative Joey Salceda ang pamahalaan na bumili na agad ng pinakaepektibo at pinakamadaling mailapat na bakuna laban sa COVID-19.

Giit ni Salceda, nakatitiyak na kaya ng gobyerno na makabili agad ng bakuna dahil malakas ngayon ang piso at credit ratings ng bansa.

Hindi na aniya dapat magbawas pa ng gastusin dito ang pamahalaan dahil may kakayahan naman ang bansa na bilhin ang pinakaepektibong bakuna laban sa nakakahawang sakit na Coronavirus Disease.


Punto pa ni Salceda, kaya naman hindi ganoon kabuhos sa pondo ang gobyerno pagdating sa fiscal stimulus ay para makabili agad ang bansa ng bakuna.

Ngayon aniya na mayroon nang available na COVID-19 vaccine ay dapat na mag-atubili na ang pamahalaan sa pagbili nito at makipag-bid na sa lalong madaling panahon.

Iginiit pa ni Salceda na ang P8.5 billion na economic loss sa bawat araw habang nasa quarantine ang bansa ay hindi hamak na mas malaki kumpara sa presyo ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments