Pamahalaan, kumikilos na para mapauwi ang mga tripulanteng Pinoy sa MV Tutor na binomba ng Houthi ayon kay PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ginagawa na ng gobyerno ang lahat para madala sa ligtas na lugar ang mga Filipino seafarers na sakay ng binombang barko na MV Tutor sa Red Sea.

Ayon sa pangulo, nakikipag-ugnayan na sila sa United Kingdom Maritime Trade Operations para madala ang mga tripulante sa Djibouti.

Oras aniya na madala ang mga ito sa Djibouti, ay agad na ipoproseso ng pamahalaan ang pag-uwi ng mga ito sa Pilipinas.


Matatandaang binomba ng Houthi rebels ang MV Tutor nitong June 12 sa Red Sea at Gulf of Aden.

Ayon sa DMW, 22 na Pinoy seaman ang sakay ng barko at isa sa mga ito ang nawawala.

Facebook Comments