Posible ang hiling ng mga negosyante na maabot ang herd immunity sa Metro Manila pagsapit ng Setyembre.
Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Major General Restituto Padilla Jr., sa gitna ng nagpapatuloy na vaccination rollout ng pamahalaan.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Padilla na kumpiyansa si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., at ang Metro Manila mayors na maaabot ang 70 percent ng populasyon na mababakunahan sa susunod na buwan.
Una nang sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na umaasa ang pribadong sektor na maaabot na agad ng Metro Manila ang tinatawag na “micro-herd immunity” para mapasigla muli ang ekonomiya.
Facebook Comments