Pamahalaan, kumpiyansang makakalikom pa rin ng sapat na import duty kasunod ng pagbabago ng taripa sa ilang produkto

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na makakalikom pa rin ng sapat na import duty ang pamahalaan para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ito ay sa gitna ng pagbabago sa ipinapataw na taripa para sa ilang produkto matapos aprubahan ng NEDA Board ang Comprehensive Tariff Program 2024 – 2028.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Balisacan na kaya naman umiiral ang RCEF ay upang palakasin at mapataas ang kita ng mga magsasaka.


Makakatulong pa rin aniya ito sa revenue collection ng bansa dahul ang 15% na tariff rates ay malaki pa rin naman.

Una na rin namang itinaas ng pamahalaan ang pondo ng Department of Agriculture.

Sa ilalim ng bagong Comprehensive Tarrif Program ay matitiyak ang abot-kayang ang mga pangunahing produkto sa bansa, habang nababalanse ang interest ng mamimili at local producers.

Facebook Comments