Kumpiyansa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na malaking investment ang makukuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa biyahe nito pa-Germany at Czech Republic ngayong araw.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DFA Assistant Secretary Maria Elena Algabre na ilang kompanya sa Germany at Czech Republic ang nagpahayag ng kanilang interes na mamuhunan sa renewable energy, manufacturing, healthcare, aerospace at innovation.
Makikipagpulong din ang pangulo sa business leaders ng dalawang bansa para hihikayatin ang mga ito na mag-invest sa Pilipinas.
Samantala, hindi naman binanggit ni Algabte kung anu-anong mga kompanya ang nais na mag-invest ng negosyo sa bansa.
Surpresa na lang aniya kung ilang business deals ang lalagdaan ng Pilipinas sa foreign investors.
Ngayong araw ay nakatakdang bumiyahe muli si Pangulong Marcos at si First lady Liza Marcos patungong Germany at Czech Republic para paigtingin pa ang bilateral relations ng Pilipinas sa dalawang bansa.