Pamahalaan lokal ng Nueva Ecija, nagtampo kay Agriculture Secretary Piñol sa pagdedeklara nitong may bird flu sa kanilang lugar

Nueva Ecija – Masama ang loob ng lokal na pamahalaan ng Nueva Ecija kay Agriculture Sec. Manny Piñol.

Ayon kay Nueva Ecija Provincial Administrator Atty. Alejandro Abesamis – nauna pa raw kasing malaman ng media ang pagkakaroon umano ng bird flu sa kanilang bayan bago sa kanila.

Ang masaklap, hindi pa naman daw ito kumpirmado.


Sumasailalim pa sa confirmatory test ang mga manok na inisyal na nagpositibo sa bird flu virus sa bayan ng Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija.

Dagdag pa ni Abesamis, boluntaryo na ring ipapakatay ng mga poultry owners ang dalawampu’t walong libong manok na inisyal na nagpositibo sa bird flu sa barangay San Roque sa bayan ng San Isidro.

Dahil isang barangay lamang ang apektado, sinabi ni Abesamis na one kilometer radius lang ang kanilang ipinapatupad na ban habang mahigpit ang monitoring sa seven kilometers radius.

Sa ngayon ay nagpupulong na ang provincial government ng Nueva Ecija para sa mga susunod nilang hakbang.

Facebook Comments