Manila, Philippines – Aabot sa P10 bilyong piso ang lugi ng gobyerno sa hindi nakolektang buwis sa mga matatamis na inumin.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Chua, kulang ng P10 bilyong piso ang koleksyon ng buwis sa mga sugar and sweetened beverages tulad ng energy drinks, carbonated drinks, juice drinks at iba pa.
Tinatayang aabot sana sa P40 billion ang makokolektang buwis sa sugary-sweetened beverages pero nasa P30 billion lamang ang koleksyon dito ng gobyerno.
Dahil dito, ipinag-utos na ng Department of Finance (DOF) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na silipin ang mga beverage manufacturers kung nagbabayad ang mga ito ng tamang buwis.
Mababatid na matapos na maipasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, nagdagdag ng P6 hanggang P12 na buwis ang pamahalaan sa mga sugary-sweetened beverages.