Pamahalaan, lumilikha na ng cloud security design kontra cyber crimes

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lumilikha na ng cloud security design ang Pilipinas upang matiyak ang cyber security sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito ay dahil sa talamak na insidente ng scam at hacking.

Maging ang pamahalaan aniya ay naging biktima na ng mga iligal na aktibidad gamit ang cyber space, na darker side ng teknolohiya.


Aminado rin ang pangulo na isang alalahanin ang problema sa cyber security kaya’t pilit na hinahanapan aniya ito ng solusyon ng gobyerno sa pangunguna ng DICT.

Pinakikilos na rin ng pangulo ang pamahalaan para tugunan ang cyber security problems sa bansa.

Facebook Comments