Magbibigay ang pamahalaan ng 5,000 doses ng COVID-19 vaccines sa mga manggagawa sa Labor Day sa May 1.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang planong pagbabakuna sa minimum wage earners at Overseas Filipino Workers ay nabigyan na ng go signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Magsisilbi itong symbolic immunization activity para sa mga manggagawang nasa ilalim ng A4 Priority Group.
Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay bubuo ng master list para matiyak na patas ang pamamahagi ng bakuna sa labor sector.
Samantala, isinama ng IATF sa A4 group ang mga frontliners na nagtatrabaho sa Kongreso.
Nabatid na binubuo ng A4 priority group ang mga essential frontliners tulad ng transport workers, vendors, media, workers at government personnel.