Pamahalaan, magha-hire ng 10,000 medical professionals para sa COVID-19 response ayon sa Palasyo

Plano ng pamahalaan na mag-hire ng 10,000 medical professionals para mapalakas ang health workforce sa harap ng paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga health worker na ire-recruit ay manggagaling sa mga lugar sa labas ng Metro Manila o sa mga rehiyon na mayroong mababang COVID-19 cases.

Bukod dito, hihingin din ng pamahalaan ang tulong ng medical reservist mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).


Handa rin ang pamahalaan na magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga health worker tulad ng risk allowance, 15,000 pesos para sa mga matatamaan ng virus, life insurance, libreng transportation at accommodation at libreng testing.

Paiigtingin ng pamahalaan ang testing, tracing at treatment efforts.

Umapela ang Palasyo sa publiko na sundin ang minimum health standards.

Facebook Comments