Pamahalaan, maghahatid ng tulong sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ

Tutulungan ng pamahalaan ang mga pamilyang apektado ng mahigpit na lockdown na ipapatupad sa apat na lugar sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magbibigay ang pamahalaan ng “augmentation support” para sa mga Local Government Units (LGUs) na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), partikular sa Iloilo City, Iloilo Province, Cagayan de Oro, at Gingoog City sa Misamis Oriental.

Sa ngayon, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 6 ay nagsimula nang makipag-coordinate sa mga LGUs para malaman ang bilang ng mga benepisyaryo.


Nakikipagtulungan din ang DSWD sa militar para sa pamamahagi ng family food packs sa mga lugar na nasa ECQ.

Facebook Comments