Pamahalaan, maglalabas ng 1.2-M sako ng bigas ngayong linggo para paluwagin ang mga bodega sa bansa

Maglalabas ang Department of Agriculture (DA) ng tinatayang 1.2 milyong sako o 100,000 metric tons ng lokal na bigas ngayong linggo sa pamamagitan ng auction.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyakin ang sapat na suplay at abot-kayang presyo ng bigas sa bansa.

Target ng hakbang na ito na paluwagin ang mga bodega para makapag-imbak pa ng bagong ani ng mga magsasaka at matiyak na tuloy-tuloy ang daloy ng suplay.

Inaasahang nasa ₱25 hanggang ₱28 kada kilo ang magiging floor price ng bigas, depende sa edad ng produkto.

Kasabay nito, maaari ring i-release ang nasabing suplay upang palakasin ang programang “Benteng Bigas Meron Na” ng administrasyon, na nakatuon sa pagbabantay at pagpapanatili ng presyo sa merkado.

Samantala, mahigpit ding binabantayan ng DA ang presyo ng bigas para maiwasan ang price manipulation at pandaraya ng ilang negosyante.

Facebook Comments