Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagpapadala ng medical team sa Hong Kong kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, layon nito na matulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagpositibo sa COVID-19.
Gayunman, kailangan pa aniyang mayroon itong koordinasyon sa pamahalaan ng Hong Kong.
Sinabi naman ni Cacdac na sa Marso ay magsasagawa ang Hong kong government ng tatlong beses na mass testing sa mga residente at migrants workers kabilang na ang mga OFW gayundin ang Philippine Overseas Labor and Office (POLO) personnel.
Facebook Comments