Aminado ang National Economic and Development Authority (NEDA) na mabagal ang pag-usad ng infrastructure projects ng pamahalaan ngayong 2nd quarter ng taon dahil sa problema sa right-of-way.
Kaya naman sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa Malacañang Insider na makikipag-ugnayan na ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa Office of the Solicitor General para mabilis na matapos ang mga proyekto.
Hihingin na rin nila ang tulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC na para sa pag-aamyenda ng mga usaping may kinalaman sa right of way.
Ayon kay Balisacan, kailangan kasi ang mabilis na pagpo-proseso ng mga lupang nais na magamit ng pamahalaan sa infrastructure projects para sa pagpapaunlad ng ekonomiya bansa.
Gayunpaman, sabi ni Balisacan, nakita naman daw sa 2nd quarter report na maraming mga proyekto ang maayos na umuusad tulad ng inaasahan.