Pamahalaan, magpapatupad ng ilang pagbabago kasabay ng 3 araw na bakunahan sa bansa

Gumagawa na ng paraan ang Department of the Interior and Local Government o DILG para mas mapaganda pa ang sistema sa nagpapatuloy na tatlong araw na National Vaccination Drive.

Kasunod ito ng hindi pagtanggap ng ilang vaccination site ng mga walk-in at hindi na kinayang pag-accommodate ng mga tao.

Ayon kay DILG Sec. Edwardo Año, kabilang sa pagbabago na ipapatupad ang paglalagay ng tauhan para magparehistro ang walk-in upang hindi na ito pauwiin.


Aniya, ginagawan na rin nila ng paraan para mailipat sa ibang vaccination site ang mga tao nag-walk-in.

Tatlong milyon kada araw ang target ng gobyerno sa National Vaccination Drive.

Sa unang araw as of 5 AM, sinabi ni Año na umabot sa 2.4 milyong ang nabakunahan at patuloy pa itong binibilang dahil ngayon pa lang dumadating ang datos mula sa mga Local Government Units (LGUs).

Umaasa si Año na makakamit ang target na tatlong milyon kada araw lalo’t holiday ngayon kung saan marami ang may oras para magpabakuna.

Facebook Comments