Pamahalaan, mape-pressure sa pamamahagi ng cash aid sakaling isara muli ang ekonomiya ayon sa DTI

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang pagsasara muli ng ekonomiya ay magbibigay lamang ng pressure sa Pamahalaan na magbigay ng ayuda sa mga sektor na maaapektuhan ng mahigpit na pagpapatupad ng quarantine measures.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, mahirap na isara muli ang ekonomiya lalo na at marami ang nawalan ng kita at trabaho.

Aniya, magiging pabigat ito sa Pamahalaan lalo na at kailangan muling mamahagi ang Pamahalaan ng karagdagang social amelioration package.


Sa unang kwarter ng 2020, bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas sa 0.2% bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal nitong Enero, paghina ng turismo at kalakalan dahil sa COVID-19 pandemic nitong Pebrero at pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) nitong Marso.

Tumaas din ng 17.7% ang unemployment rate o katumbas ng 7.3 million na Pilipino.

Facebook Comments