Pamahalaan, may home care packages sa COVID patients dahil sa kakulangan ng hospital beds

Nag-aalok na ang pamahalaan ng home care packages sa mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19 dahil sa kakulangan ng hospital beds bunsod ng pagtaas ng mga kaso.

Ayon kay One Hospital Command Center Operations Manager Dr. Bernadette Velasco, sa ngayon kasi ay umaabot sa 480 hanggang 560 ang tawag na kanilang natatanggap kada araw.

Dahil aniya sa spike ng cases, pahirapan nang makahanap ng bakanteng COVID-19 beds sa mga ospital kaya ieendorso na lamang sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) o Local Government Unit (LGU) ang pasyente para i-monitor.


Prayoridad naman na madala sa ospital ang mga emergency cases hanggang sa umayos ang sitwasyon ng pasyente.

Una nang sinabi ng OCTA Research na 100% nang puno ang 19 na ospital sa National Capital Region (NCR) habang 80 iba pa ang 70% na ring okupado at hindi pa kasama rito ang mga COVID-19 patients na nasa emergency room.

Facebook Comments