Pamahalaan, may ideya na sa posibleng kinaroroonan ni dating BuCor Chief Bantag

Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na masawata rin ang wanted na dating hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag.

Sa MalacaƱang press briefing, sinabi ni DOJ Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano na may ideya na sila kung saan nagtatago si Bantag at mahuhuli rin ito sa lalong madaling panahon.

Nagpapatuloy aniya ang manhunt ng mga awtoridad at hindi dapat mainip ang publiko.


Si Bantag ay wanted sa batas matapos iturong mastermind umano sa pagpaslang sa broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid noong 2022 at inmate na si Jun Villamor.

Facebook Comments