Pamahalaan, may istratehiya para mabakunahan ang nasa 70 milyong Pilipino ngayong taon – DOH

May nakahandang plano ang gobyerno para makamit ang target na 50 hanggang 70 milyong Pilipinong mabakunahan ng COVID-19 vaccine ngayong taon.

Kasunod ito ng sitwasyon sa India kung saan apektado ang suplay ng bakuna sa buong mundo.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mayroong specific areas na mas bubuhusan ng vaccine para mas marami ang maproteksyunan lalo na sa geographic areas kung saan may mga kaso.


“Pero may dalawang strategies naman tayo sa prioritization. Unang-una, iyong sectoral. Ibig sabihin natin, iyong mga priority, iyong most at risk at most vulnerable ang uunahin natin. Tapos iyong pangalawang target natin iyong tinatawag nating geographic. Kung saan maraming kaso doon tayo magko-concentrate muna ng pagbibigay ng bakuna,” ani Cabotaje.

Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na ang India ang karamihan na pinagmumulan ng bakuna sa COVAX Facility na pinagkukunan naman ng bakuna ng Pilipinas.

Facebook Comments