Pamahalaan – may matibay na depensa laban sa naipanalong arbitration case ng Maynilad at Manila Water

May matibay na depensa ang gobyerno ng Pilipinas laban sa napanalunang arbitration case ng Maynilad at Manila Water.

Ito ang tiniyak ng Department of Justice (DOJ) matapos paburan ng arbitral court ng Singapore ang hirit na 10-bilyong pisong danyos ng mga water concessionaire dahil sa umano’y pagharang ng pamahalaan sa plano nilang pagpapatupad ng taas-singil sa tubig.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na malaki ang tiyansang mabalewala ang desisyon ng nasabing korte.


Ipinunto niya na labag sa public policy ang naging desisyon ng arbitral court.

Aniya – bilang public utility, hindi dapat ipinapasa ng mga water concessionaire ang mga bayarin gaya ng corporate income tax sa mga consumer.

Kasabay nito, nanindigan ang DOJ na tuloy ang pagbuo nila ng bagong kasunduan sa kabila ng kahandaan ng Maynilad at Manila Water na makipag-usap sa gobyerno.

Facebook Comments