Pamahalaan, may mga hakbang para mapigilan ang pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong Christmas season

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na may ginagawang hakbang ang pamahalaan para tiyaking matatag ang presyo ng pangunahing bilihin ngayong nalalapit na Christmas season.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kailangang mabantayan ang presyo ng basic commodities, lalo na sa mga food items.

Bagama’t binawi ng gobyerno ang price freeze sa mga basic goods, ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ay patuloy ang kanilang price monitoring.


Nais nilang maiwasan ang pagmamanipula sa presyo, hoarding at pagsasamantala ng ilang indibidwal sa sitwasyon.

Binanggit din ni Nograles ang E-Kadiwa Program, isang digital platform system na siyang maghahatid ng ligtas at sariwang farm produce direkta mula merchants patungong consumers sa Metro Manila.

Mayroon ding DELIVER-e, isang programa ng DA at DTI na layong tulungan ang mga magsasaka na ibiyahe ang kanilang produkto sa ilang pamilihan.

Facebook Comments