Pamahalaan, may pagkakataon pa para patunayan na gumagana ang justice system sa bansa – CHR

May pagkakataon pa para ipakita ng pamahalaan na gumagana ang justice system ng bansa.

Ito ang inihayag ni Commision on Human Rights Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia matapos ang preliminary investigation na ginawa ng International Criminal Court kaugnay sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni de Guia na nakahanda ang CHR na makipagtulungan sa Philippine National Police at Department of Justice upang lumabas ang katotohanan.


Ayon pa kay de Guia, malaking bagay ang ginawa ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na pakikipagtulungan sa DOJ upang dito pa lamang ay mapanagot na ang mga tauhan nila kung may naging paglabag sa karapatang pantao.

Maiiwasan din aniya nito na umabot sa ikalawang stage ng imbestigasyon ng ICC kung saan isasailalim na sa trial ang pangulo dahil sa mga inihaing reklamo sa kaniya.

Facebook Comments