Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ginagamit pa rin sa makabuluhang mga proyekto ang sobrang pondo ng ahensya ng gobyerno.
Ito’y kaugnay sa batikos sa pondo mula sa PhilHealth, GSIS, at SSS.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nag-aadopt aniya ang gobyerno ng long-term perspective sa paggugol sa pondo ng bayan at hindi para waldasin lamang ito.
Kailangan aniyang balansehin ang paggugol sa pondo para sa medium term at long term, o pamumuhunan sa human capital tulad sa kalusugan at edukasyon, dahil kailangan lumago ang bansa at mapanatili ang pag-unlad o progreso na nagawa sa ilalim ng short term goals.
Ang mga sobrang pondo ngayong taon ay inilaan din sa mga proyektong nakaprograma na ipinatutupad na at maingat na binubusisi ng mga kinauukulan.
Sabi pa ng Kalihim, dapat laging ginagamit sa mahahalaga at makabuluhang proyekto ang podo na pakikinabangan ng mga Pilipino at nag-aambag sa pag-unlad ng bansa.