
Sinimulan na ng gobyerno ang pag-iimbentaryo ng mga sasakyan na maaaring gamitin sa Libreng Sakay Program.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, layon nitong maibsan ang gastos ng mga mananakay, lalo na habang inaasahan ang taas-presyo dulot ng tensyon sa Middle East.
Tinutukoy sa kasalukuyan kung aling government vehicles ang maaaring i-deploy at kung anong mga ahensya ang puwedeng tumulong sa pagpapatupad.
Posible ring umarkila ng mga bus para mas mapalawak ang saklaw ng programa.
Hihikayatin din ang mga lokal na pamahalaan na may umiiral nang libreng sakay na pahabain ang oras ng operasyon.
Sa pagsasama ng mga hakbang na ito, inaasahang makakatulong ang programa sa mga estudyante at manggagawa na makabawas sa pamasahe araw-araw.
Facebook Comments










