Naglaan ng P1.5 trillion ang pamahalaan para sa Build, Better, More program ngayong 2024.
Sa ilalim ng naturang proyekto, magtatayo ng mas maraming imprastraktura ang pamahalaan, partikular sa mga malalayong lugar, tulad ng mga kalsada, riles, mass transport, at flood control projects.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang budget ay katumbas ng 5.5% ng projected gross domestic product ngayong 2024.
Mula sa kabuuang pondo, P981.99 billion dito ay inilaan sa public sector infrastructure budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at P26.58 billion sa Department of Transportation (DOTr).
Mas mataas ito ng P180 million mula sa P1.330 trillion na alokasyon noong nakaraang taon.
Samantala, tiniyak naman ng DBM na ang bawat piso sa national budget ay gagamitin para sa kapakinabangan ng ekonomiya at ng mga Pilipino.