Pamahalaan, naglaan ng higit 100 bilyong piso para sa railway modernization sa 2021

Plano ng pamahalaan na gumastos ng ₱106.3 billion para sa modernization ng railway network sa Pilipinas sa susunod na taon.

Sa kaniyang budget message sa Kongreso, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang kauna-unahang subway at iba pang railway projects ay bahagi ng infrastructure development ng gobyerno para mapabuti ang transportation at mobility ng mga tao at produkto.

Mula sa ₱122.9 billion budget ng Department of Transportation (DOTr), nasa ₱106.3 billion o 86.5% ay popondohan ang railway system modernization ng bansa.


Nasa ₱34.6 billion ang ilalaan para sa first phase ng Metro Manila subway project.

Ang ₱355 billion subway project ay inaasahang magkakaroon ng 15 istasyon na tatagos mula Quezon City, Pasig, Makati, Taguig at Pasay.

Tinatayang nasa 370,000 pasahero ang kaya nitong serbisyuhan kada araw.

Ang partial operation ng unang tatlong istasyon ay inaasahang magsisimula sa 2022 habang ang full operations ay sa 2025.

Ang iba pang railway projects ng pamahalaan ay ang North-South Commuter Railway (NSCR) System, MRT-3 Rehabilitation, Philippine National Railways – South Long Haul Project at pagpapatupad ng cashless ticket payment sa lahat ng railway systems.

Facebook Comments