Naglaan ng mas maliit na alokasyon ang pamahalaan sa unprogrammed appropriation sa ilalim ng 2025 proposed national budget.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nasa P158.6 billion o 2.5% lamang ng unprogrammed appropriation sa kabuuan ng national budget.
Mas mababa ito ng 78.31% mula sa kasalukuyang ₱731 billion sa ilalim ng 2024 national budget.
Paliwanag ng kalihim, sinubukan nilang ipasok sa program level ang lahat ng programa at proyekto ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ang ipinailalim lamang aniya nila sa unprogrammed appropriation ay ang mga foreign assisted project na hindi pa naaaprubahan ng ICC at NEDA Board.
Tiwala aniya ang DBM na maaprubahan ang mga proyektong sa 2025 kaya’t kailangan ng stand by na pondo para dito.
Facebook Comments