Inilaan ng gobyerno ang P2 bilyon para sa relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary at National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Delfin Lorenzana kasabay ng pagtiyak na ang lahat ng mga nangangailan ay pagsisilbihan sa takdang panahon.
Aniya, kumpiyansa siya na kakayanin ng pamahalaan ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan nang walang tulong mula sa ibang bansa.
Pero kung may mga tutulong ay welcome ito sa gobyerno.
Sinabi pa ng kalihim na sa ngayon ay on-going pa ang assessment sa pinsala na dulot ng bagyo.
Ang priority aniya sa ngayon ay ang paghahatid ng pagkain, tubig at tulong medikal sa mga biktima, at Inatasan na niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-deploy ang lahat ng available assets para dito.