Pamahalaan, naglaan ng P75 billion para sa pagbili ng COVID vaccines para sa 57 milyong Pilipino – Nograles

Naglaan ang national government ng ₱75 billion para sa pagbili ng COVID-19 vaccines para sa 57 milyong Pilipino.

Bukod dito, ayon pa kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nasa 13 milyong Pilipino ang sakop ng vaccination program na ikakasa ng mga Local Government Units (LGUs) at pribadong sektor.

Sa kabuuan, aabot sa 70 milyon ang benepisyaryo ng COVID-19 immunization program.


Nais aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng gabinete na matiyak na may sapat na pondo ang bansa para mabakunahan ang mayorya ng mga Pilipino.

Sa ngayon, naselyuhan ng Pilipinas ang nasa 30 million doses ng Covovax vaccines at 25 million doses ng Sinovac.

May nakuha ring supply ang pamahalaan mula sa AstraZeneca sa ilalim ng tripartite agreement.

Facebook Comments