Iniulat ng Department of Finance (DOF) na nakadagdag sa bahagyang pagtaas ng inflation rate ang iba’t ibang temporary factors tulad ng mga nagdaang Bagyong Kristine at Leon.
Ito’y matapos makapagtala ng 2.3% inflation rate para sa buwan ng Oktubre, na bahagyang mas mataas sa 1.9% inflation rate noong Setyembre.
Ayon kay Finance Sec. Ralph Recto, iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutukan ang sitwasyon upang mabilis na makabangon ang mga apektadong komunidad.
Kabilang dito ang mahigpit na pagbabantay sa presyo ng mga pagkain.
Gayundin ang maagang pag-aani at pinataas na presyo ng pagbili ng bigas ng National Food Authority (NFA), nakatakdang paglalabas ng 666.5 million pesos na insurance claims ng Philippine Crop Insurance Corp. para sa mahigit 86,000 apektadong magsasaka, at social protection programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).