Pamahalaan, nagsasagawa na ng reallocation ng mga bakuna sa Visayas at Mindanao

Nagkakaroon na ng reallocation ng mga COVID-19 vaccines sa mga itinuturing ngayon na mga “high-risk areas”.

Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, mahalaga na marami rin ang mabakunahan sa mga lugar na nakakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, ayon kay Vega, bumaba na ang active cases sa Metro Manila habang nasa “low risk” na rin ang healthcare utilization sa rehiyon.


Habang ang konsentrasyon ng COVID-19 ay nasa mga probinsya lalo na sa Naga, Legaspi, Dumaguete, Negros Oriental, Iloilo, Caraga, Butuan, Northern Mindanao, Cagayan, Zamboanga, South Cotabato, Southern Mindanao at Davao Region.

Facebook Comments