Pamahalaan, nagsisimula pa lamang papanagutin ang mga nasa likod ng anomalya sa flood control projects – DPWH

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagsisimula pa lamang ang administrasyon sa pagpapanagot sa mga sangkot sa palpak at maanomalyang flood control projects.

Ito’y kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawiin ang pondo, sampahan ng kaso ang mga sangkot at tiyakin na makukulong.

Sa pahayag ng DPWH, kumpiyansa ang pamahalaan na matibay ang kasong isasampa laban sa mga akusado at mabilis ang pag-usad nito kung saan mas maaga ang pag-file ng mga kaso sa Sandiganbayan kumpara sa naging proseso sa PDAF scam.

Ayon pa sa DPWH, susunod nang kakasuhan ang ilang dating opisyal ng DPWH at mga contractor kaugnay ng mga ghost at substandard flood control projects sa Bulacan.

Ang naturang hakbang ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na mapanagot ang mga sangkot at maibalik ang pondo ng bayan.

Facebook Comments