Walang sino man ang makakapalit kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang pinuno ng contact tracing efforts ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.
Nabatid na nagbitiw si Magalong bilang Contact Tracing Czar matapos dumalo sa isang party kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mass gathering.
Ang kanyang resignation ay hindi tinanggap ng National Task Force against COVID-19 (NTF).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa sila na magbago pa ang isip ni Mag
“Well, unang-una po noong nagsumite ng letter si Mayor Magalong, wala pong nakasulat doon na it is irrevocable. Kaya po ang sinabi nga namin ay it is subject to acceptance at hindi naman po tinanggap ng NTF,” sabi ni Roque sa isang radio interview.
Hihintayin nila kung ano ang magiging pasya ng alkalde lalo na at dadalo siya sa ilang aktibidad.
Una nang sinabi ng Malacañang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili si Magalong sa kanyang posisyon.