Pamahalaan, nakaantabay na sa magiging sitwasyon ng transport strike mamayang hapon

Nakaantabay na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang ahensya ng pamahalaan sa mga posibleng pagharang at pananakot ng mga magkikilos protesta sa mga buma-biyaheng jeepney at bus para sa isinasagawang transport strike ngayong araw.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III na may mga banta kasi umano ang PISTON at MANIBELA na pipigilan nilang bumiyahe ang iba pang mga tsuper mamayang hapon, o sa oras ng uwian ng mga kawani ng gobyerno at publiko na manggagaling sa trabaho.

Dahil dito, naka-antabay na ang mga rescue buses ng LTFRB sa pakikipagtulungan sa MMDA, at DOTr at gayunin sa pulisya para sa critical areas na maaaring magkaroon ng mga pangha-harass.


Sa kabila nito, sinabi ni Guadiz na sa ngayon ay wala pang nakitang pangangailangan sa rescue buses dahil tuloy-tuloy ang pagsakay ng mga pasahero at wala ring mahahabang pila.

Naglibot din aniya sila kaninang umaga sa mga pangunahing lugar sa Metro Manila at nakitang naging sapat naman ang mga pampublikong sasakyan.

Facebook Comments