Pamahalaan, nakalikom ng mahigit P300-B na financing agreements para sa malalaking proyekto ngayong taon

Nakalikom ang administrasyong Marcos ng sapat na official development assistance financing at grants mula sa development partners ngayong taon, para sa malalaking proyekto sa ilalim ng build better more program.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ngayong taon ay lumagda sila sa 12 financing agreements na nagkakahalaga ng ₱333.42 billion pesos.

Ito ay para sa mga proyekto sa imprastraktura, transportasyon, depensa, digital technology, kalusugan, at agrikultura.


Kasama rito ang 3rd tranche ng financing para sa Metro Manila Subway Project, at kasunduan para sa Dalton Pass East Alignment Alternative Road Project, Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, Samar Pacific Coastal Road II Project, Laguna Lakeshore Road Network Project, New Dumaguete Airport Development Project, Maritime Safety Capability Improvement Project Phase III, at Infrastructure for Safer and Resilient Schools Project.

Samantala, nalikom din ang 4.34 billion pesos na halaga ng grants, para sa labintatlong proyekto kabilang ang Capacity Development of Public Utility Vehicles sa Metro Manila at adjoining areas, pagtatatag ng AI Based Flood Forecasting And Warning System sa Laoag River Basin, Master Plan on Comprehensive Sewerage System Development sa Metro Cebu, Partnership for Peace and Development sa Mindanao, at Integrated Urban Climate Action for Low-carbon and Resilient Cities Project.

Facebook Comments