Umabot na sa 227,648 contact tracers ang nai-deploy ng pamahalaan sa buong bansa bilang pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., mayroon ng 25,767 contact tracing teams ang Pilipinas.
Aniya, nag-improve na ang close contact ratio na mula sa 1 is to 3 at naiakyat na ito sa 1 is to 20.
Giit ni Galvez, umabot na sa 25,430 ang mga pasyente na na-isolate mula sa National Capital Region, Region 3, at Region 4A.
Habang nasa 320,000 katao sa NCR ang na-test na para sa virus.
Facebook Comments