Magsasagawa ang pamahalaan ng food security summit para matiyak na mananatili sa matatag na presyo at supply ng pagkain.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang “national security plan” ay bubuoin sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA).
Layunin nitong mapalakas ang agri-fishery sector sa pamamagitan ng cooperation, coordination at collaboration ng local government units (LGUs) at ng pribadong sektor at stakeholders.
Tatalakayin din sa summit ang mga mitigation measures na ipinapatupad sa ngayon para maibsan ang pagsipa ng presyo ng karneng baboy, pagbagsak ng farm gate prices ng palay, at ang Africa Swine Fever (ASF) outbreak.
Facebook Comments