Pamahalaan, nakatipid ng mahigit ₱200-M sa energy program ng DOE

Ipinagmalaki ng Department of Energy o DOE na nakatipid ang pamahalaan ng 20 million kilowatt-hour o katumbas ng 205 milyong piso sa ilalim ng Energy Management Program.

Ito’y para sa unang bahagi ng taong 2023 kung saan, tumaas din ang kamalayan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa kung paano sila makapagtitipid ng konsumo sa enerhiya.

Ang Government Energy Management Program ay nakasalig sa panuntunang itinakda ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee sa ilalim ng Republic Act 11285 o ang Energy Efficiency and Conservation Act.


Nais nito na mabawasan pa ng 10 percent ang konsumo ng pamahalaan sa paggamit ng kuryente sa pamamagitan ng mga hakbang nito tulad ng sistematikong paggamit ng kuryente gayundin ang pagpatay ng mga hindi kinakailangang kagamitan.

Samantala, pinapurihan naman ni Energy Sec. Raphael Lotilla ang mga ahensya ng Pamahalaan na sumusunod sa mga hakbang upang makatipid ng kuryente na makatutulong din naman sa pangangalaga sa kalikasan.

Facebook Comments