Pamahalaan, nakatutok ngayon sa paglaban sa Japanese encephalitis

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na mahigpit na minomonitor ng Department of Health ang mga naitatalang kaso ng Japanese Encephalitis sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat ay makipagtulungan ang publiko sa kanilang mga lokal na pamahalaan para mabilis na mapuksa ang nasabing sakit.

Paliwanag ni Abella, tulad ng dengue ay maiiwasan ang pagkalat ng Japanese Encephalitis sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga breeding areas o kung saan namamahay ang mga ito tulad sa mga lugar na mayroong stagnant water.


Sinabi pa ni Abella na naghahanda na ang DOH ng mga plano para magkaroon ng vaccine o bakuna na panlaban sa sakit na ituturok sa mga bata.

Facebook Comments