Pamahalaan, nakikipag-coordinate na sa logistics at cold storage firms para sa paglulunsad ng immunization program

Nagsasagawa na ng koordinasyon ang pamahalaan sa logistics companies at cold storage providers para sa inaasahang paglulunsad ng COVID-19 vaccines sa susunod na buwan.

Ayon kay National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, aabot sa 28 cold chain providers ang nakausap na ng gobyerno.

Nasa lima pa aniya ang patuloy na negosasyon.


Iginiit ni Dizon na mahalagang maintindihan na ang COVID-19 vaccines ay ilalagay sa mga pasilidad na nangangailangan ng sobrang malamig na temperatura.

Si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at ang Department of Health (DOH) ay nakikipag-usap sa iba pang kumpanya at asosasyon tulad ng Cold Chain Association of the Philippines para sa iba pang lugar tulad ng mga probinsya.

Facebook Comments