Nakikipagtulungan na ang National Vaccination Operation Center (NVOC) sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) upang mabakunahan ang mga senior citizens na may mga karamdaman.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NVOC Chairperson Myrna Cabotaje na alinsunod ito sa paggunita ngayong araw sa world day of the sick.
Ayon kay Cabotaje, ang mga nakatatandang may sakit ay talaga namang lantad sa COVID-19.
Ang mga ito aniya ang pinakamalapit sa peligro ng pagkakasakit, o magkaroon ng mas grabeng epekto ng virus, ma ospital o hindi naman kaya ay humantong sa kamatayan.
Sa datos ng WHO nasa 2.5M pang mga nakatatanda ang hindi nakakatanggap ng ni isang dose ng bakuna.
Facebook Comments