Pamahalaan, nakikipag-ugnayan na sa WHO para sa guidelines ng international verification system ng mga fully vaccinated individuals

Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa World Health Organization (WHO) para sa guidelines ng international verification system para sa mga fully vaccinated individuals.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mahalaga ang nasabing guidelines para sa deployment ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nabatid na noong nakaraang buwan ay kumo-konsulta na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa international community para sa pagpapalabas ng international certificates para sa mga nabakunahan ng COVID-19, katulad ng yellow card ng WHO.


Sa ngayon ay pino-proseso na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang database para sa mga fully vaccinated sa bansa.

Facebook Comments